Dali-dali kong kinuha ang jejekam ko sa bag ko para kuhanan ng retrato si Doc, prof ko sa Comparative Anatomy. Hanggang ngayon kasi ay natutuwa kami sa kanyang pananapatos. Sa lahat kasi ng mga Doctor sa aming college, siya ang pinakamaliit pero..pinakakikay! Parati siyang naka 5-inch shoes, minsan wedge at kadalasan stilletos. Eh ayun nga. Noong isang araw, habang nakatalikod si Doc abala sa pagddrawing ng stomach ng ruminant, ifinocus ko na ang kamera ko sa kanya. Then…..”click!”. BWAKIIINGGNAAAA! Nakalimutan kong i-off ‘yung ‘autoflash’ ng walanjong kamera! NAG-FLASH ng pabulosa!! Naalarma ang madlang classmates! Napatawa na lang ako dahil hindi napansin ni doc! HAHA ligtas!
Ayon. Siya nga pala ang prof ko sa Macroscopic Anatomy—ang nag-iisang Doc Rona. Maliit. Maputi. Malupit (magpa-exam). Kikay. Mabait.
- January 27 2012 | 7 Notes - Read More →





