February 2012
13 posts
7 tags
ang wirdo ko na.
Habang tumatagal, nararamdaman ko na nagiging wirdo ako. Alam mo ‘yung iba na ang tingin ko sa mga bagay? Teka…ganito:
Sa tuwing mapapatingala ako sa langit…hindi ulap ang pumapasok sa isipan ko. Kundi, Fibrocartilage.
Hindi na isang insecto ang naiisip ko kapag nakakakita ng paru-paro. Kundi, cross section ng spinal cord.
——at marami pang iba.
hahaaay. Ewan...
4 tags
may exam ako sa Systemic Physiology bukas. Buti na lang masarap mag-aral sa probinsya. konek! Magandang hapon. :)
4 tags
2 tags
Ang isa sa pinakamahalagang bagay na natutunan ko this week ay tungkol sa pagbibigay ng tiwala. Mali pala iyong magtitiwala ka sa isang tao dahil…she/he’s nice. Dahil mismong iyon, hindi natin alam kung totoo ba ‘yung pagiging “nice” nya. Aba, malay ba nating napaka-fluent lang nya sa sarcasm? O di kaya’y nasa expert level na talaga sya ng kaplastikan. Nagkamali...
3 tags
6 tags
4 tags
Gusto kong sumuko Sa bawat himas ng antok Sa katawan kong marupok at nanghihina.
Nais kong takbuhan Ang hamon ng mga takdang-aralin at eksam Na gumugulpi ng aking utak at ilong
Ibig kong limutin Lahat ng responsibilidad at obligasyon Na bumabagabag sa aking isipan…
AT SAKA MATULOG.
Sinubukan kong Sumuko, Tumakbo At lumimot Ngunit nanumbalik ang taglay kong sigla Nang ako’y pasukin...
4 tags
may mga panahong sobrang busy at masasabi ko na lang:
ISANG KRIMEN ANG MATULOG NANG MATINO.
1 tag
5 tags
sino ba talaga ang alien?
Tayo lang mga tao ang capable of MURDER.
Tayo lang mga tao ang capable of reasoning.
Tayo raw ang pinakamatatalinong hayop.
Nag-evolve lang daw tayo from monkeys.
Eh bakit may mga unggoy pa rin ngayon?
Bakit hindi na sila nageevolve? O kahit ‘yung ibang mga hayop?
(Except sa movie na Planet of the Apes, ah.)
May mga nababasa at naririnig ako na may traces ng water sa planetang Mars.
...
7 tags
kwentong anatomi eksam
Ilang linggo nga ba ako’ng hindi umuwi dito sa’min at parang ang pakiramdam ko’y bagong labas ako sa bilangguan?! Ewan ko. Ayokong magcompute. Masakit ang ulo ko gawa ng exam kanina sa comparative anatomy.
Actually, first time naming mag-enjoy sa laboratory exam sa anat! Ang nangyari kasi kanina ay by group ang pag-take ng exam. Five minutes before 9am ay nagbunutan kami kung...
3 tags
3 tags
January 2012
20 posts
3 tags
4 tags
5 tags
1 tag
3 tags
Kapag sinasambit/sinasabi, nakakadiri? Pero kapag...
6 tags
kung gaano kahalaga ang "last minute"
doc: GOOD MORNING!
whole class: Good morning po.
Doc: Oh, kumusta naman ang mahaba nyong bakasyon?
whole class: Swabeng-swabe, Doc! Sulit!
doc: Good. So let’s start. Get 1/4. Number one….
me:
(tanginaaaang surprise quiz! craaammiiiiing… hoooooo!!)
3 tags
2 tags
Alam kong nakakasuka na ang subject na ito. Kaya naman nasa sa iyo na kung itutuloy mo pa ang pagbabasa. *Teka, pati ako nasusuka.
Ang sabi nila, ang kupad-kupad ko pagdating sa pag-ibig kaya naman daw parati na lang akong nauunahan ng iba at nabibigo. Eh, sino ba naman kasing may sabi sa kanilang nakikipagunahan ako, ha?! Hindi naman ako Tamiya o kabayo para makipagkompitensya kung sinong...
3 tags
Sobrang sinasabaw ang utak ko kanina pa. Siguro epekto ito nang isang linggo walang klase, isang linggong puro pahinga’t pasarap sa buhay dahil sa school ginanap ang regional PASUC competition, tapos malalaman kong next week ay exam week. Halos 3 oras na akong nakatambay sa facebook—nagtetris, sa twitter—nagiingay at dito sa tumblr—nagbabackread. Hindi pa ako naliligo. Ang...
4 tags
2 tags
killer: Father, mangungumpisal po ako. Nakapatay na naman po ako ng maraming tao. pari: Bakit mo nagawa iyon? killer: Naniniwala po kasi silang may Diyos eh. Pinapatay ko po lahat ng mga nananampalataya sa Diyos. Kayo ba, Father, naniniwala ka bang may Diyos? pari: Hmm…Dati. Ngayon, trip-trip na lang.
Bakit nga ba ‘yung Faith na dapat ay parating naririyan eh nagiging parang...
3 tags
ibang klase si madear!
Kabubukas ko pa lang ng pinto at hindi pa ako nakakasakay eh kaagad nyang iniandar ang kotse papunta ng pldt! Ang mas malupet eh yung salita sya nang salita magisa sa loob ng sasakyan habang ako’y naiwan nya sa daan! Haaay. Ewan ko sayo mame. Mixed emotions ako. Pati ako mababaliw dahil ninyo. Haha.
4 tags
Connect, Respect, Protect.
4 tags
1 tag
drawing
PRODUCTIVITY ipinangako ko ‘yan. Eh joke lang kaya!
LESS CARBOHYDRATES pilit kong ginagawa. di ko na keri!
SIT UPS T’WING GABI nang matunaw ang bilbil. Fail!! Busy kasi eh.
4 tags
NOTE TO LIKAS PAPAYA & GLUTA
ako’y nilikha Niya nang half-toasted ang balat. pero hindi ko kailanman ikinahiya ang kulay ko; etsos! minsan lang naman! ngunit sabi nila’y hot ang lalaki kapag kulay tsokolate; salamat kay Derek Ramsey dahil sa kanya’y i found love on my skin. kaya kayo’y huwag nang aasa pa, na pagkakainiteresan ni Totoy na looking hot. dahil kunteto na siya sa balat niyang kulay betamax.
*LABAS SA ILONG*
2 tags
Dapat marunong tayong makipagsisiksikan at makipagunahan. Kung hindi, papayag ka bang maunahan at habambuhay na lang maghihintay? Ewan ko sa’yo.
Totoong una-unahan lang ‘yan, tulad ng pagsakay ng jeep, bus o LRT kapag rush hour. Kung hindi ka lalaban at magpapakatatag sa mga taong mahilig maniko at manulak para mauna sa’yo sa pagsakay, eh ano na lang ang gusto mong mangyari sa...
4 tags
3 tags
December 2011
50 posts
5 tags
9 tags
5 tags
6 tags
Noong 2011
**Pinagisipan ko ng matagal kung angkop ba talagang gamitin ang “noong” dahil 2011 pa rin naman hanggang ngayon. Wala. Tinamad na ako mag-isip kaya ayan. hehe~**
nakapasa ng NVAT
welcome to proper veterinary medicine course! (welcome to hell, actually.)
nawala na sa President’s list of Scholars na iginapang ko ng 4 na sem.
unang beses makatanggap ng 2.75 sa ilang subjects at...
4 tags
Raniel a.k.a. "Totoy"
Okay lang kung tawanan nyo ako..pero sorry ha, ngayong nagka-subject lang ako ng Histology nang malaman ko ang ibigsabihin ng “a.k.a”.. :P
ALSO KNOWN AS pala iyon. huhuhu.
*Tunay nga namang hindi pa huli ang lahat para matuto ng mga bagay-bagay. Kaya naman explore lang tayo, tulad ng pageexplore ko ng aking lecture manual sa Histology. Huwag nga lang aabot sa sitwasyong duguin ang...
2 tags
2 tags
3 tags
1 tag
ang husay mong mag-inarte na feeling mo ikaw ‘yung parating naiiwan at nire-reject. eh wala ka namang kaibahan sa kanila eh!
2 tags
Sa mahigit 100 nyang mga retrato....
Magkakaiba nga ang lugar at suot, pero iisa naman ang anggulo at ngiti. NYEK. ahihihihihi
2 tags
Nasa kalahati na. Bukas na.
NUNG LINGGO…
me: Tito, ‘yung Amapola (sa 65 na Kabanata) ko, tapos nyo nang basahin?
tito: nasa kalahati na. Bukas na.
KAHAPON…
me: Ayy tito, tapos nyo na ga ‘yung Amapola?
tito: nasa kalahati na. Bukas na.
KANINA…
me: Tito ‘yung Amapola ga raw…tapos na? maganda?
tito: nasa kalahati na. Bukas na.
KANI-KANINA LANG…
mame: Utoy,...
1 tag
magpopost pa sana tas biglang tumawag si mader at magbihis dahil may party na namang pupuntahan syet lang hindi na nakatigil dine sa bahay okay happy holidays may exam pa sa lunes bye
2 tags
5 tags
3 tags
3 tags
Aminin natin na minsan tinatawanan natin ang katangahan ng iba. Eh kung katawa-tawa naman talaga eh, di ba? haha. Pero ibigsabihin ba no’n eh tanga na rin tayo dahil sa pagiging irasyonal? hmm. sagot ko, OO. Eh sa palagay mo?
just text OO or HINDI to 2366 for globe and smar……
7 tags
5 tags
Excuse me lang po, pero..
KUmakalampag talaga ang tawa ko sa twing makakakita ng mga retratong O.A. na sa BLOOM effect. Tipong abot hanggang kalangitan ang level ng bloom. Syet. Ako, maitim ako, oo. Pero mas gusto ko naman ‘yon kesa naman sa magmukha akong ulap na tinubuan ng mata, ano! om.