Sa kasamaang palad, ito na ang kanyang kinahantungan.
Ang late na bago pa makatay ‘yung kabayo para sa comparative anatomy. Nakakainis! Kaya naman simula next week eh may pasok na kami every Friday dahil kailangan naming maghabol sa ComparAnat lab kasi may baboy, ruminant, at avian pa kaming iddissect at ieexam. Eh ilang buwan na lang ba? Tapos wala pa kaming klase buong week next week dahil sa school naming gaganapin ‘yung PASUC. Hooooo. Buti’t napilit namin si dean na payagan kaming magreview sa anat lab kasi sayang nga naman ‘yung ilang araw na wala kaming klase. ppfff. Na-pepressure ako sa subject na ito. Sobra.
At speaking of ‘sobra’…sobrang hindi namin kinaya ang amoy ng formalin na iniadminister nung embalsamador ng isang funeraria dun sa cadaver ng kabayo! Grabe. Halos maubos ang luha namin at masunog ang lalamunan dahil sa tapang ng amoy ng formalin! *paulit-ulit! Iba ito kumpara sa aso. Kaya naman magdadala na ako ng limang face mask para ipagpapatong-patong ko sa mukha ko! yeah.
Magandang gabi nga pala. Lalo na sa mga nagdidinner pa lang na ang ulam ay tapa.
- January 14 2012 | 14 Notes - Read More →



