Sobrang sinasabaw ang utak ko kanina pa. Siguro epekto ito nang isang linggo walang klase, isang linggong puro pahinga’t pasarap sa buhay dahil sa school ginanap ang regional PASUC competition, tapos malalaman kong next week ay exam week. Halos 3 oras na akong nakatambay sa facebook—nagtetris, sa twitter—nagiingay at dito sa tumblr—nagbabackread. Hindi pa ako naliligo. Ang nagawa ko lang sa magdamag ay ang maginternet, magpakain ng mga alagang aso at manok, kumain tsaka matulog ng apat na oras. Tapos, sobrang naglalangis pa ang mukha ko ngayon at wala akong pakialam. Sabihin nyo nga sakin, may kwenta pa ba ako? Pakiramdam ko ay pwede nang itapon ang buhay ko ora mismo. Jusme. Dapat nag-aaral ako eh lalo na sa Physiology. Hooooooo.. Paki-sagip ako. Napaka-pointless ko.

pahabol: tapos hindi pa ako nakabili ng barbecue kanina na nung linggo ko pa pinaglalawayan. Syet talaga. Gusto kong ihampas ang ulo ko sa pader kaso masakit ‘yon. T-T