Alam kong nakakasuka na ang subject na ito. Kaya naman nasa sa iyo na kung itutuloy mo pa ang pagbabasa. *Teka, pati ako nasusuka.
Ang sabi nila, ang kupad-kupad ko pagdating sa pag-ibig kaya naman daw parati na lang akong nauunahan ng iba at nabibigo. Eh, sino ba naman kasing may sabi sa kanilang nakikipagunahan ako, ha?! Hindi naman ako Tamiya o kabayo para makipagkompitensya kung sinong mauuna. Ang sa’kin lang kasi kapag may type akong babae, gusto ko’y mag-iinvest muna ako. Parang ano ba…uh.. parang mag-iipon ng points sa globe para maka-redeem ng reward? GANON. Kumbaga ibebefriend ko na muna hanggang sa makilala namin ang isa’t isa. Ayoko naman nung ginagawa ng karamihan ngayon na “Ms., ano’ng number mo?” at kapag ibinigay… “may boyfriend ka na?”.. at kapag sinabing wala pa….”pwedeng tayo na?”. SYET. Oo, syet na lang talaga ang masasabi ko at alam kong alam nyo na ang mga susunod na gusto ko pang sabihin kasi nga di ba, sukang suka ka na sa mga blog post na ganito? K.
O baka….sinasabi ko lang ito dahil ‘yung dalawang crush ko sa klase simula’t sapul eh parehong may kasintahan na? DE. Si kaycee lang talaga.
- January 21 2012 | - Read More →



